Mac and I made this crazy letter 2 years ago..
Dear Bulag,
Sa wakas! Tapos na ako magsibak. Heto na naman ako nambubulabog at nanggugulo sayo. Hayaan mo, itatype ko na lang sa computer at i-e-mail ko sayo ang susunod na sulat. Magkita tayo sa konsyerto ni pipi ha! Alam mo bang makulay ang susuotin kung damit? Sigurado akong magugustuhan mo. Ikaw naman isuot mo yung dilaw na t-shirt. Bagay na bagay yun sayo. Tingnan mo pa sa salamin! Nagustuhan nga ni bingi ang bagong album ni pipi. Pinakikinggan niya ito araw-araw. Pero sa totoo lang, kinakabahan ako para sa ating pare na si pipi. Ang ganda daw ng boses ni sintunado, ang lead singer ng bandang paos. Suportahan natin ang konsyerto ni pipe ha.
Inis na inis ako kay kalbo! Ang arte arte kasi! Sa inis ko, diba sinabunutan ko? Sinira ko daw yung buhok niya kaya di mapakale sa hairstyle! Nagpakulay pa ata eh.
Pinanalo daw ni pilay ang Pilantod Taekwondo team ng mga gintong medalya. Lakas nga raw sumipa eh! Pano, proud na proud sa paa niyang bagong foot spa.
Naaalala mo ba ang kaklase nating si Laos D. Maalala? Naku! Sikat na sikat na siya! Ang dami ngang fans eh! Hindi raw siya malililimutan ng mga fans!
Alam mo ba? Naaawa ako kay manhid? Masakit at kumikirot daw ang kagat sa kanya ni bungal. Gumagamit daw ng toothpaste na pampatigas ng ngipin. Model nga raw si Bungal ng toothpaste eh! Nakakaawa din si aling Ligaya I. Masaya dahil sobrang lungkot nito. Iyak nga ng iyak eh! Sumumpa daw si Mang Mabuhay na si Ligaya lang ang magpapatibok ng puso niya ngunit ilang minuto lang, tumigil ang puso ni Mang Mabuhay dahil matagal na siyang may stroke at tuluyang namatay. Naaalala ko tuloy si tigidig. Ang kinis ng kutis niya sa mukha. Crush na crush ko nga eh. Kaso basted!
Ang saya namin nung intrams. Sana nanood ka. Nanalo yung team namin ni duling. Pano, naka sampung 3-point shot. Sapul na sapul! Wala siyang shoot na sablay. Lagi nga sa akin pinapasa ang bola kasi mabilis daw ako magdribble at magpasa ng bola. At alam mo ba si unano? Grabeh ang galing magslam-dunk! Idol ko nga eh! Tapos namula si Putla sa galit. Siya kasi yung coach nung kabilang team. Nung cheerdance competition, nagshowdown sina Tigas at KSP. Ang lambot nga ng katawan ni Tigas ngunit si KSP lang ang pinansin. Lagi na lang siya pinapansin ng mga tao.
May maganda pa akong balita.. Si Laging C. Nakaw, nadyaryo kasi napulot niya ang $30,000,000 ni Pulubi. Isinoli niya ito ng buong buo. Speaking of dyaryo, nalathala dun si mabait. Nasangkot kasi sa kaguluhan at kasabwat pa niya ng mga polis. Dahil marami na siyang kasamaang ginawa, kinulong ng mga preso si Mabait at iba pang mga polis.
Sige! Hanggang dito na lang ako. Magpapalinis pa ako ng kuko sa kamay.
Nagmamahal,
Putol Kamay
----------------------
wala lang, wala tlga kami magawa nun.. haha!
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
No comments:
Post a Comment