Saturday, June 9, 2007

what I think of AA girls..

eto, opinion ko to.. I transferred from TUMCS to Assumption Antipolo 4 years ago... So nanibago ako sa attitude ng students.

AA girls are very sweet and friendly. kasi from where I came from, khet magkakilala kau, wala talagang pansinan pero sa AA, pag magkakilala kayo, talagang tatawagin ung pangalan mo para mag "hi athena!" kaya some people think i'm snob coz i'm not used to those things. Hindi sila nahihiyang mag "i love you" and "i miss you" sa friends nila, coz some people think it's corny.

Hindi uso sa AA ang pakapalan ng mukha. Sa ibang schools, hindi na uso ang humble. If you feel they feel pretty, talagang isisigaw nila "ang ganda ko!". Kung sa AA mo yun ginawa, maraming mayayabangan sau at maiinis. Siguro it's either we hate people who are "feeling" or we're just plain humble! haha! or both?

Usually ang new students, nagiging popular. Syempre new girl! You just have to play your cards right para magtuloy-tuloy...
**sa totoo lang, sa assumption ko lng natutunan ang term na "popular" or "it crowd" kasi dati, I don't understand everything about it at all.. mei nagtanong pa nga sakin dati, "popular ka ba sa dati niong school?" i said yes kasi kilala naman ako sa school ko kasi matagal na ko dun at sumasali pa ko sa contests and nag rurun ako sa student goverment kaya popular. Akala ko talaga popular means that a lot of people know you, un pala there's more meaning than that. nainis tuloy sakin ung nagtanong!**

Iba ang popu sa AA. popu ka hindi lang dahil maganda ka or mayaman ka, usually nagiging popu ang isang aa student pag mataas ang grades, responsible or pag mei cool attitude sia. It's not because of looks and material things mehn!

Hindi pala maarte. before transffering schools, akala ko dati sobrang arte ng mga taga AA pero hindi. Sa speech and sa pananamit medyo maarte pa pero when I say maarte, un ung ayaw lumapit sa mga bata jan sa tabi tabi, ayaw magtrabaho- ung "dirty work" and going to clean places ONLY. Pero I was wrong, SO WRONG! why? kasi, AA students love to serve people. Ung mga bata sa orphanage, mga marginalized people, and many more. Mei wet market exposure pa kami. Tpos in school, we sit anywhere. sa floor, sa concrete, sa grass, etc.

Assumption family has a big heart. Napakarami palang tinutulungan ng AA. Ung sister school, scholars, mga nasalanta ng bagyo at sobrang dami pang iba. Sobrang generous talaga! When our batch went to tahanang walang hagdan, ung pinaka head dun told us pa nga na mabaet tlga students ng AA kasi nagshshare kami ng food. (waw! hmm yess nman!) tpos ang na- observe ko, considerate kami. We don't want to make them feel na nakakaawa ung kalagayan nila at hindi din naman namin tinatarayan.

AA students hate FC, hahahaha! dati nagtataka ako kung anu ibig sabihin ng FC. I kept on asking people, "what's FC?". Feeling close pala ibig sabihin nun. FC kasi ako dati, hindi ko alam na ayaw pala nila yon. Dapat pala, start slowly bago kayo maging close friends talaga. Ang dami ko pa ngang naririnig na comments na "ang laboh nia, close ba kami?!!"

AA students have different unique expressions. dito ko narinig ung: yekk!, yah, yok, laboh, benta!, etc. ever since na lumipat ako, ako na ung naging stock ng expressions ng mga pinsan at friends ko. sobrang nakakahawa kasi siya kaya nagagamit na rin nila. Sakin daw nila nakukuha ung mga sari saring expressions na nakukuha ko rin lang nman sa mga classmates ko. haha!

Angels daw tayo?!! haha! eto hindi na tlga to nanggaling sakin. A friend told me na compared to other schools, better daw tayo. Masmabaet daw tayo.. Un naman, kagulat noh?! hahahaha!

AA students have confidence and class. when you want to be an officer, hindi ka na ung pipilitin pa ng mga classmates mo para magrun pero deep inside gustong gusto mo. Talagang magvovolunteer if you know you can serve and you know that you can do it! When we're outside the school naman, we speak and dress ourselves with confidence. Mei nagsabi sakin, kitang kita mo talaga sa isang tao kung san sia nag aaral by the way she speaks and the way she dresses. Bihira sa atin ang palenkera at pumapatol sa mga ganung klase ng tao.

AA girls hate to see people na mas maarte pa sa kanila. Am I right or am I right? haha! diba nga kasi, ayaw natin ng feeling?! For us, nag iinarte na ung mga ganung tao khet ganun na tlga sila or khet minsan totoo ngang nag iinarte.. haha!


Ayan ang opinion ko about assumptionistas. Seriously, marami akong natutunan sa Assumption Antipolo and I mean everything i've said. It really made me a better person, thanks to this school. Naku kung alam nio lang kung anung ugali ko dati, nakakaasar... haha! auN.. =D

letter

Mac and I made this crazy letter 2 years ago..

Dear Bulag,
Sa wakas! Tapos na ako magsibak. Heto na naman ako nambubulabog at nanggugulo sayo. Hayaan mo, itatype ko na lang sa computer at i-e-mail ko sayo ang susunod na sulat. Magkita tayo sa konsyerto ni pipi ha! Alam mo bang makulay ang susuotin kung damit? Sigurado akong magugustuhan mo. Ikaw naman isuot mo yung dilaw na t-shirt. Bagay na bagay yun sayo. Tingnan mo pa sa salamin! Nagustuhan nga ni bingi ang bagong album ni pipi. Pinakikinggan niya ito araw-araw. Pero sa totoo lang, kinakabahan ako para sa ating pare na si pipi. Ang ganda daw ng boses ni sintunado, ang lead singer ng bandang paos. Suportahan natin ang konsyerto ni pipe ha.

Inis na inis ako kay kalbo! Ang arte arte kasi! Sa inis ko, diba sinabunutan ko? Sinira ko daw yung buhok niya kaya di mapakale sa hairstyle! Nagpakulay pa ata eh.

Pinanalo daw ni pilay ang Pilantod Taekwondo team ng mga gintong medalya. Lakas nga raw sumipa eh! Pano, proud na proud sa paa niyang bagong foot spa.

Naaalala mo ba ang kaklase nating si Laos D. Maalala? Naku! Sikat na sikat na siya! Ang dami ngang fans eh! Hindi raw siya malililimutan ng mga fans!

Alam mo ba? Naaawa ako kay manhid? Masakit at kumikirot daw ang kagat sa kanya ni bungal. Gumagamit daw ng toothpaste na pampatigas ng ngipin. Model nga raw si Bungal ng toothpaste eh! Nakakaawa din si aling Ligaya I. Masaya dahil sobrang lungkot nito. Iyak nga ng iyak eh! Sumumpa daw si Mang Mabuhay na si Ligaya lang ang magpapatibok ng puso niya ngunit ilang minuto lang, tumigil ang puso ni Mang Mabuhay dahil matagal na siyang may stroke at tuluyang namatay. Naaalala ko tuloy si tigidig. Ang kinis ng kutis niya sa mukha. Crush na crush ko nga eh. Kaso basted!

Ang saya namin nung intrams. Sana nanood ka. Nanalo yung team namin ni duling. Pano, naka sampung 3-point shot. Sapul na sapul! Wala siyang shoot na sablay. Lagi nga sa akin pinapasa ang bola kasi mabilis daw ako magdribble at magpasa ng bola. At alam mo ba si unano? Grabeh ang galing magslam-dunk! Idol ko nga eh! Tapos namula si Putla sa galit. Siya kasi yung coach nung kabilang team. Nung cheerdance competition, nagshowdown sina Tigas at KSP. Ang lambot nga ng katawan ni Tigas ngunit si KSP lang ang pinansin. Lagi na lang siya pinapansin ng mga tao.

May maganda pa akong balita.. Si Laging C. Nakaw, nadyaryo kasi napulot niya ang $30,000,000 ni Pulubi. Isinoli niya ito ng buong buo. Speaking of dyaryo, nalathala dun si mabait. Nasangkot kasi sa kaguluhan at kasabwat pa niya ng mga polis. Dahil marami na siyang kasamaang ginawa, kinulong ng mga preso si Mabait at iba pang mga polis.

Sige! Hanggang dito na lang ako. Magpapalinis pa ako ng kuko sa kamay.

Nagmamahal,
Putol Kamay

----------------------
wala lang, wala tlga kami magawa nun.. haha!